Kapatirang Hinubog ng Kagitingan

Carl Angelo Cagatin
Vox Populi PH
Published in
2 min readFeb 25, 2021

--

(LARAWAN | DENNIZ FUTALAN)

Boses natin ang mag-aalpas sa ating mga kaluluwang ipiniit ng paniniil,
Palalayain ang mga paang ikinawing ng tanikalang balot ng pangil
Kahit minsa’y hinusgahan ang lipad ng bagwis ay hindi paiigpaw,
Pipiliting pumaimbulog, sa karimla’y magsisilbing tanglaw

Gamit ang talisik ay palalayagin ang kalayaang ibinimbin,
Kalampi ang kolektibong katapangang may iisang hangarin
Hindi kailanman magiging sukatan ang edad sa pakikibaka,
Dahil tayong kabataan ang muling bubuo sa ginibang haligi ng demokrasya

Huwag hayaang maparam ang namumutawing diwa ng karubduban,
Huwag hayaang mapagal sa pag-awit ng musikang isinatono ng katapangan
Huwag hayaang mahapo sa pag-indak sa ritmo ng ating paglaban,
Hanggang sa muli nating mailuwal ang pag-asang hihilom sa nilatayan nating bayan

Carl Angelo Y. Cagatin is a campus journalist and a poet. At a young age, he already discovered the magic of literature. He started writing articles at the age of 11. To exercise his skills in writing, he joined various writing contests that sometimes bring him to the peak of triumph. Carl uses his pen as his voice to fight against tyranny because he believes that our pens are the keys to lose the fetters manacling us. In fact, most of his poems tackle today’s issues. Majority of his poems are written in Filipino, while his articles are in English. Aside from writing, he also loves to read English novels. For comments and suggestions: carlangelo@voxpopuliph.com.

--

--

Carl Angelo Cagatin
Vox Populi PH

A campus journalist, writer, and a poet. 16 years of age.